Saturday, May 13, 2017

INAY KONG MAHAL

By John Edward Despe

Ngiti'y batid nang ang iyak ng sanggol kanyang narinig. 
Kirot, hapdi, sakit at hirap pansamantalang napawi.
Salamat sa Diyos,
bitbit nyang bata sa sinapupuna'y lumabas ng malusog
dala ang panibagong buhay. 

Lumipas ang mga araw at ikaw nagkamalay
Nagkamalay na magdesisyon sa sarili
Nagkamalay na suwayin ang inay
Nagkamalay na magalit sakaniya
sa tuwing may gustong hindi mo nakuha.

Sumbat dito, sumbat doon,
Reklamo dito, reklamo doon,
Pilit na kinukumpara ang buhay
Na para bang kasalanan ni inay
Na para bang ginusto nyang ikaw hindi magkaroon ng magandang buhay.

Tandaan mo pangarap ng inay ang mabigyang ka ng ninanais mong buhay!

Talak, Sigaw, at bulyaw
Nang ikaw ay magkamali at sumuway
nanggagalaiting lalamunan ang tumambang sa pintuan ng inyong bahay,
na kung saan nakatayo ang iyong inay
dala ang isang mahabang papat na hahagupit sa iyong puwitan!

Tumakbo ka, nagpakalayo at nagtanim ng sama ng loob sa inay.

Pilit na nagtago habang patuloy na hinahanap
Hinanap kung saan saan
Hinanap hanap sa kung saan ka nga ba talaga nagtungo..
Ngunit wala... walang nagtagpuan...

Isang araw nabalitaan
Ikay nalulong na sa masamang bisyo,
Gumamit ng ipinagbabawal na gamot 
wala nang dulot kung hindi perwisyo
tinutugis ng mga pulis hang sa kagubatan

Pilit na nagtago habang patuloy na hinahanap
Hinanap kung saan saan
Hinanap hanap sa kung saan ka nga ba talaga nagtungo..
Ngunit wala... walang nagtagpuan

Habang nagtatago, napaupo sa isang madilim na eskinita 
kasama ang mga nagtatakbuhang daga at mababahong basura
Ito ba? Ito ba ang pinagpalit mong buhay kay inay?

"Nakapagtataka na parang pulis nalang ang naghahanap sakin?
Na parang wala nang pakialam ang aking inay?
Asan ka na? Asan ka ng kailangan kita?"

Sumbat dito sumbat doon,
Reklamo dito reklamo doon,
Pilit na kinukumpara ang buhay
Na para bang kasalanan ni inay
Na para bang ginusto nyang ika'y mapunta sa ganyang kalagayan.

Taon ang lumipas ng ikaw bumalik sa bahay!
Hinahanap ang inay!
"NASAN ANG INAY" nasaan ka inay?
Unti unting bumalik ang alala
Talak bulyaw sigaw...
Ngunit walang inay sa pintuan ng bahay...
Walang inay na may hawak na mahabang patpat...

Pagbukas ng pintuan
Isang babae ang nakaratay...
Isang malakas na pagubo ang maririnig sa babaeng nakaratay. 
Masangsang na amoy...
Madumi ang paligid...

Asan na ang inay
Ang inay na malinis sa bahay.
Pag tingin sa babaeng nakaratay
Siya ang inay!

Nabitawan ang mga bitbit
Mga tuhod na nagtiklupan sa makalat lupa
Mga tubig sa matay unti unting nagbagsakang mga luha.
Mga kamay na nanginginig sa pagkabahala..
Bugso ng damdamin hindi maipaliwanag...

"PATAWARIN MO KO INAY"
Apat na salitang tanging nabigkas...
Hagulgol ng isang sanggol 
Ang narinig ng babaeng nakaratay!
Kirot, hapdi, sakit at hirap pansamantalang napawi.
Salamat sa Diyos,
Bumalik na ang  ANAK ni inay
Anak na suwail!
Anak na di marunong makuntento!
Anak na walang respeto!
Anak na tanggap kahit ano ka man...
Anak na pinagsakripisyuhan ni inay...
Anak na pinakamamahal ni inay...

ang Babaeng nakaratay
tila nagdahilan
nanumbalik ang lakas at buhay.
Salamat sa Diyos,
buhay pa ang inay...

Anak na pasaway
Unti unting binago ang kanyang buhay...

PANGAKO KO INAY,
Hinding hindi na tayo magkakahiwalay!
Magsisikap ako upang ako iyong ipag malaki..
Magsisikap ako upang masukliaan ko ang lahat ng yong sakripisyo...
Gagawin ko to ng buong puso...
Para sayo ito...
INAY KONG MAHAL!

the end
Thanks for reading
>>>>>>>>>>
Wag na nating hintayin ang ganitong pagkakataon bago natin sabihin at iparamdam sa ating mga nanay na mahal na mahal natin sila.
HAPPY MOTHERS DAY SA MGA NANAY NATIN
>>>>>>>>>>

05/13/2017
TO MY BEST MAMA
Happy Mothers Day!!
I LOVE YOU SO MUCH AND I WILL ALWAYS DO!
Thank you for everything and im praying for your good health! 
Godbless you always!