by: John Edward Despe
Matagal kong pinagisipan, pilit kong pinigilan, pero bakit kaibigan? Bakit kailangang ganto ang maramdaman? Bakit ang daming naglalaro sa isip kong katanungan? Pero, parang di ko na kailangan ng kasagutan? Iisang tinitibok nitong damdamin, puso ko’y sumisigaw, puso ko’y humihiyaw. Oo sigurado na ako, kaibigan Mahal na kita!
Nagsimula sa kwentuhan, biruan, lokohan, tawanan, tuksuhan.
Sobrang saya, sobrang sayang kasama ka, tara dito, tara doon, kain tayo, gala
dito gala doon. Kahit saan pa patungo, sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.
Nung una sabi ko sa sarili
ko, ha ang weird naman nato, wala to sa standard ko, pang kaibigan lang to.
Pero para kong tanga! Ang tanga ko naman para isipin yun. Ang tanga ko kasi
ngayon kinakain ko lahat yan. Hindi pala pang kaibigan tong nararamdaman ko.
Oo sigurado na ako, kaibigan
mahal na kita!
Alam mo yung feeling na komportable na kong kasama ka, yung
feeling na pag gising ko excited na kong makita ka, makausap ka, makasama ka,
makabiruan at kahit maghapon magdamag gusto ko ikaw lang ang laman ng inbox ko,
kasi sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.
Pero habang tumatagal lalong lumalalim ang samahan, hindi na
kaibigan yung pagtingin ko sayo, tipong ayoko ng may ibang lumalapit sayo, nagseselos ata ako, tipong gusto ko, ako lang lagging
kausap mo, nagseselos ba ko?, tipong concern na
ko sa bawat kilos at galaw mo. Hindi na kumpleto ang araw ko kung wala yung hi
hello mo. kasi sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.
Oo sobrang saya hanggang nung nalaman mong
mahal kita. Sabi mo “kaibigan lang
talaga”, kaibigan lang pala. Di ko alam kung bakit. Pero ng sakit, alam mo yung
massakit pero walang explanasyon. Paulit ulit kong tinanong na sarili ko, tama ba
yung ginawa ko, tama ba yung nagmahal ako ng taong hindi ako mahal, tama ba na
nahulog ako sa kaibigan ko, kaibigan ko na kaibigan lang ang tingin sakin.
Walang tigil na pag patak ng mga luha, sobrang
hirap, sobrang bigat sa pakiramdam. Tama na, ang sakit sakit na. sapat na yung
sakit. Sapat na yung naranasan kong sakit. kahit anong pilit, kahit anong pigil
sa sarili, wala eh, mahal na talaga kita.
Isang araw narelize ko, pagod na pala ko, ubos
na yung mga luha, umasa ako pero tama na, tama na ang sakit na nararamdaman ko.
Akala ko ito na yon, akala ko ikaw na yon, akala ko lang pala.
Oo na alam ko masakit, alam ko maligalig pero wala eh,
kaibigan mahal kita kahit hindi mo man ako kayang mahalin tulad ng nararamdaman
ko. oo nasaktan ako pero hindi mo kasalanan, hindi mo kasalanan na nahulog ako,
hindi mo kasalanan na minahal kita, sadayang umasa lang tlaga kasi sobrang
saya, sobrang sayang kasama ka.