Sadyang dadating at dadating sa buhay natin
yung makakakita ka ng couple at tatanungin
sa sarili kung "asaan yung para sa'kin?"
Sabi nila, “hindi daw hinahanap yung taong iibigin”
yung makakakita ka ng couple at tatanungin
sa sarili kung "asaan yung para sa'kin?"
Sabi nila, “hindi daw hinahanap yung taong iibigin”
Pero wala
naman sinabing “bawal piliin ang dapat mahalin”
Kaya nga
sabi ko sa sarili ko:
Mahalin mo
yung taong may pangarap
Para sa inyong
hinaharap
Iwasan mo yung
taong ikaw lang ang pangarap
Dahil baka sa
huli ika’y makaramdam ng hirap
Mahalin mo
yung taong walang oras
Walang oras
na inaaksaya’t pinalilipas
Yung taong, kung
magsikap ay parang wala nang bukas
Dahil hangad
n’yang sa iyong mukha, ngiti ay mamalas
Mahalin mo
yung taong maingay
Para bigyang
kulay ang tahimik mong buhay
Mahalin mo
yung taong nakikipagaway
Makikipagaway
huwag ka lamang mawalay
Yung ipaglalaban
ka!
Yung ipagsisisgawang
ika’y sakanya!
At sa huli
Mahalin mo
yung taong nagpaiyak sa’yo
Iyak na
tunay ang ligaya’t pagsinta
Mahalin mo
yung taong nagpaiyak sa’yo
Iyak na pumapawi
sa bigat na nadarama.
Nais ko
sanang makitang ika’y lumuluha!
Oo! Sige lang
iiyak mo lang
Iiyak mo
hanggang sa mabasag ang sakit sa dibdib
Iiyak mo
hanggang sa lumabas …
Lumabas ang tinik
na matagal nang nakatanim
Iiyak mo
lang , iiyak mo lang, iiyak mo pa…
Iiyak mo
lang hanggang ika’y mahimbing
At nang sa
iyong paggising
Makita mo
ang liwanag sa dilim
Sabi nga
nila, wag ka daw magmahal ng buo
Nang kapag
nawala ika’y hindi gumuho
Kung kaya't iyong
alalahanin
Mahalin mo muna
ang SARILI mo
Bago piliin
ang taong mamahalin mo.
No comments:
Post a Comment