Monday, October 12, 2020

MAHAL KITA KAHIT KAIBIGAN LANG TINGIN MO SAKIN

 by: John Edward Despe

Matagal kong pinagisipan, pilit kong pinigilan, pero bakit kaibigan? Bakit kailangang ganto ang maramdaman? Bakit ang daming naglalaro sa isip kong katanungan? Pero, parang di ko na kailangan ng kasagutan? Iisang tinitibok nitong damdamin, puso ko’y sumisigaw, puso ko’y humihiyaw. Oo sigurado na ako, kaibigan Mahal na kita!

Nagsimula sa kwentuhan, biruan, lokohan, tawanan, tuksuhan. Sobrang saya, sobrang sayang kasama ka, tara dito, tara doon, kain tayo, gala dito gala doon. Kahit saan pa patungo, sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.

Nung una sabi ko sa sarili ko, ha ang weird naman nato, wala to sa standard ko, pang kaibigan lang to. Pero para kong tanga! Ang tanga ko naman para isipin yun. Ang tanga ko kasi ngayon kinakain ko lahat yan. Hindi pala pang kaibigan tong nararamdaman ko.

Oo sigurado na ako, kaibigan mahal na kita!

Alam mo yung feeling na komportable na kong kasama ka, yung feeling na pag gising ko excited na kong makita ka, makausap ka, makasama ka, makabiruan at kahit maghapon magdamag gusto ko ikaw lang ang laman ng inbox ko, kasi sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.

Pero habang tumatagal lalong lumalalim ang samahan, hindi na kaibigan yung pagtingin ko sayo, tipong ayoko ng may ibang lumalapit sayo, nagseselos ata ako, tipong gusto ko, ako lang lagging kausap mo, nagseselos ba ko?, tipong concern na ko sa bawat kilos at galaw mo. Hindi na kumpleto ang araw ko kung wala yung hi hello mo. kasi sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.

Oo sobrang saya hanggang nung nalaman mong mahal kita.  Sabi mo “kaibigan lang talaga”, kaibigan lang pala. Di ko alam kung bakit. Pero ng sakit, alam mo yung massakit pero walang explanasyon. Paulit ulit kong tinanong na sarili ko, tama ba yung ginawa ko, tama ba yung nagmahal ako ng taong hindi ako mahal, tama ba na nahulog ako sa kaibigan ko, kaibigan ko na kaibigan lang ang tingin sakin.

Walang tigil na pag patak ng mga luha, sobrang hirap, sobrang bigat sa pakiramdam. Tama na, ang sakit sakit na. sapat na yung sakit. Sapat na yung naranasan kong sakit. kahit anong pilit, kahit anong pigil sa sarili, wala eh, mahal na talaga kita.

Isang araw narelize ko, pagod na pala ko, ubos na yung mga luha, umasa ako pero tama na, tama na ang sakit na nararamdaman ko. Akala ko ito na yon, akala ko ikaw na yon, akala ko lang pala.

Oo na alam ko masakit, alam ko maligalig pero wala eh, kaibigan mahal kita kahit hindi mo man ako kayang mahalin tulad ng nararamdaman ko. oo nasaktan ako pero hindi mo kasalanan, hindi mo kasalanan na nahulog ako, hindi mo kasalanan na minahal kita, sadayang umasa lang tlaga kasi sobrang saya, sobrang sayang kasama ka.

 

Thursday, September 24, 2020

"Paano Harapin Ang Bukas"

By: John Edward Despe

O kay lamig, o kay init, 
Pabago-bagong panahong sambit, 
Bakit kaya mundo'y tila may galit 
Labis na paghihinagpis kanyang giit 
Sakuna at pighati lubhang paulit-ulit 
Mahabaging kalikasan lubhang ika'y nagagalit? 

O kay lamig, o kay init! 
Reklamo ng nakararami, 
Bakit hindi tanungin ang sarili 
Kanino dapat isisi? 
Ito ba'y ganti lamang ng kalikasan, 

O dahilan ay hindi ito iningatan? 
O kay lamig, o kay init! 
Init ng ulo'y pinaiiral sa gitna ng kaguluhan 
Walang tigil na bakbakan! 
Walang tigil na patayan! 
Bakit hindi bigyang pansin 
Ang kawawang bayan! 

O kay lamig, o kay init 
Sangdamakmak na katawan ang walang buhay 
Matatagpuan kahit saan nalang nakaratay, 
Anong nangyari sa bayan? 
Pati buhay ng tao hindi na iningatan, 
Tuluyan na bang mababaon sa hukay? 
O kay lamig, o kay init Basura sa ilog, dagat at kagubatan 
Pagputol ng puno sa kabundukan 
Kemikal na dulot ng mga pagawaan 
Pangungurakot sa kaban bayan 
Hangang kailan, hanggang saan? 

O kay lamig, o kay init, 
Reklamo ng nakararami 
Kailan ka ba magsisi? 
Kung ubos na ang mga punot halaman? 
pagguho ng mundo at pagsabog ng mga bulkan? 
O Kapag magkapatayan para sa kapangyarihan? 

O kay lamig, o kay init! 
Tila ba unti unting nawawalan ng pagasa 
Paano na ang kinabukasan ng bayan 
Paano na ang mga batang walang muang 
Paano na ang mga pamilyang namatayan 
Hanggang tanong nalang ba? 
O kay init, o kay lamig Huwag na sanang magreklamo 
Hindi pa ito ang katapusan ng mundo 
Madarama pa ang payapang pagtulog 
Iyan ay kung uumpisahan mo, 
Sa pagbabago mula sa bahay mo...

SURPRESA

By: johnedwarddespe

Umasa dahil may nagpaasa? nafall pero walang sumalo? Umibig pero di inibig? Nagmahal pero nasaktan? Pinagtagpo pero di itinadhana?

Sino nga ba ang tama? Sino ba ang mali?

Ako ba na umaasa na sa bawat biruan at tuksuhang hindi maiwasan ay unti unting naging sanhi ng aking pagkahulog.

ako ba na nafall na sa bawat kentuhan at tawanan ay unti unting pagibig ang nararamdaman.

ako ba na pakiramdam ay tila lumulutang sa langit sa saya na dulot ng malagkit na pagtitinginan.


ako ba na  pagtingin moy unti unting natutunaw na parang ice cream sa ilalim ng araw.

teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Naguguluhan ako kasi baka hindi ako sigurado, kasi baka akoy maloko, baka akoy masaktan, baka akoy umiyak sa dulo.

Paano kung paasahin nya lang ako, paano kung sasaktan nya lang ako, paanu kung iiwanan nya lang ako.

teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Paano kung hindi pala nya ko gusto, paano kung hindi pala pareho ng nararamdaman, paano kung … paano paano?

 teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.


Pero bakit kailangan ganito? bakit tila akoy nagugulumihanan sa bagay na hindi ko maamin.Oo na tama kayo! Tama kayo guys gusto ko siya pero di ko masabi kasi natatakot ako, natatakot ako na baka hindi niya pala ko gusto! natatakot kasi pakiramdam ko masakit, oo ang sakit sakit ng feeling na hindi ko na alam na parang hindi na kumpleto ang araw ko pag di siyaa nakita, kapag di ka nakausap oh natanong ko man lang kung okay ba siya, kumain na kaya siya, kumusta na ba siya. Yoong tipong hindi na ko makatulog sa kakaisip sakanya.


Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Isang araw, paggising ko ikaw agad ang nasa isip. Hindi ko alam pero buong magdamag iniisip kita, masaya, maligaya, masarap sa feeling ang kasama ka. hangang sa panaginip andoon ka! Bakit!!! Bakit kailangan andoon ka. Oras-oras minu-minuto tumatakbo sa isip pero ayokong mapagod ka sa pagtakbo. Pwede bang sabay tayong tumakbo hanggang dulo?

Habang tumatagal lumalim ang pagkakaibigan, unti-unti nagkakilala ng lubusan, madaming kaalaman, nagiigting ang pinagsamahan.

Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Bakit kasi ang bait mo? bakit kasi palagi kang concern sa akin? ano ba tayo? Gustong gusto kong itanong pero natatakot ako.

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahuhulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.

Lumipas ang mga araw wala siyang paramdam. Isip koy gulong gulo, may nagawa ba ko?
Isip koy Litong lito, may nasabi ba kong mali? Bakit tila isang truck ng bato ang bigat ng nararamdaman ko? Ang bigat bigat. Ang lungkot lungkot, ang lunkot ko pala pag di ka kausap. Ang lungkot ko pala pag wala ka? uma-umaga ay naghihintay ng reply mo, hello kumusta ka na? asaan ka na? bakit di ka nagrereply okay ka lang ba?  Pwede bang sabihin mong okay ka? Okay tayo? Mayroon bang tayo!

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.

Bawat tunog ng telepono, bawat mensaheng natatangap umaasa ikaw na yon! Patuloy na naghintay hangang isang araw nagtext ka sabi mo magkita tayo may surpresa ka.

Dali daling bumangon, naghanda, nagayos. Hello crush! Ready na ko sa surprise mo, ready na din akong aminin ang nararamdaman ko.

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, excited na ko.


Saturday, May 13, 2017

INAY KONG MAHAL

By John Edward Despe

Ngiti'y batid nang ang iyak ng sanggol kanyang narinig. 
Kirot, hapdi, sakit at hirap pansamantalang napawi.
Salamat sa Diyos,
bitbit nyang bata sa sinapupuna'y lumabas ng malusog
dala ang panibagong buhay. 

Lumipas ang mga araw at ikaw nagkamalay
Nagkamalay na magdesisyon sa sarili
Nagkamalay na suwayin ang inay
Nagkamalay na magalit sakaniya
sa tuwing may gustong hindi mo nakuha.

Sumbat dito, sumbat doon,
Reklamo dito, reklamo doon,
Pilit na kinukumpara ang buhay
Na para bang kasalanan ni inay
Na para bang ginusto nyang ikaw hindi magkaroon ng magandang buhay.

Tandaan mo pangarap ng inay ang mabigyang ka ng ninanais mong buhay!

Talak, Sigaw, at bulyaw
Nang ikaw ay magkamali at sumuway
nanggagalaiting lalamunan ang tumambang sa pintuan ng inyong bahay,
na kung saan nakatayo ang iyong inay
dala ang isang mahabang papat na hahagupit sa iyong puwitan!

Tumakbo ka, nagpakalayo at nagtanim ng sama ng loob sa inay.

Pilit na nagtago habang patuloy na hinahanap
Hinanap kung saan saan
Hinanap hanap sa kung saan ka nga ba talaga nagtungo..
Ngunit wala... walang nagtagpuan...

Isang araw nabalitaan
Ikay nalulong na sa masamang bisyo,
Gumamit ng ipinagbabawal na gamot 
wala nang dulot kung hindi perwisyo
tinutugis ng mga pulis hang sa kagubatan

Pilit na nagtago habang patuloy na hinahanap
Hinanap kung saan saan
Hinanap hanap sa kung saan ka nga ba talaga nagtungo..
Ngunit wala... walang nagtagpuan

Habang nagtatago, napaupo sa isang madilim na eskinita 
kasama ang mga nagtatakbuhang daga at mababahong basura
Ito ba? Ito ba ang pinagpalit mong buhay kay inay?

"Nakapagtataka na parang pulis nalang ang naghahanap sakin?
Na parang wala nang pakialam ang aking inay?
Asan ka na? Asan ka ng kailangan kita?"

Sumbat dito sumbat doon,
Reklamo dito reklamo doon,
Pilit na kinukumpara ang buhay
Na para bang kasalanan ni inay
Na para bang ginusto nyang ika'y mapunta sa ganyang kalagayan.

Taon ang lumipas ng ikaw bumalik sa bahay!
Hinahanap ang inay!
"NASAN ANG INAY" nasaan ka inay?
Unti unting bumalik ang alala
Talak bulyaw sigaw...
Ngunit walang inay sa pintuan ng bahay...
Walang inay na may hawak na mahabang patpat...

Pagbukas ng pintuan
Isang babae ang nakaratay...
Isang malakas na pagubo ang maririnig sa babaeng nakaratay. 
Masangsang na amoy...
Madumi ang paligid...

Asan na ang inay
Ang inay na malinis sa bahay.
Pag tingin sa babaeng nakaratay
Siya ang inay!

Nabitawan ang mga bitbit
Mga tuhod na nagtiklupan sa makalat lupa
Mga tubig sa matay unti unting nagbagsakang mga luha.
Mga kamay na nanginginig sa pagkabahala..
Bugso ng damdamin hindi maipaliwanag...

"PATAWARIN MO KO INAY"
Apat na salitang tanging nabigkas...
Hagulgol ng isang sanggol 
Ang narinig ng babaeng nakaratay!
Kirot, hapdi, sakit at hirap pansamantalang napawi.
Salamat sa Diyos,
Bumalik na ang  ANAK ni inay
Anak na suwail!
Anak na di marunong makuntento!
Anak na walang respeto!
Anak na tanggap kahit ano ka man...
Anak na pinagsakripisyuhan ni inay...
Anak na pinakamamahal ni inay...

ang Babaeng nakaratay
tila nagdahilan
nanumbalik ang lakas at buhay.
Salamat sa Diyos,
buhay pa ang inay...

Anak na pasaway
Unti unting binago ang kanyang buhay...

PANGAKO KO INAY,
Hinding hindi na tayo magkakahiwalay!
Magsisikap ako upang ako iyong ipag malaki..
Magsisikap ako upang masukliaan ko ang lahat ng yong sakripisyo...
Gagawin ko to ng buong puso...
Para sayo ito...
INAY KONG MAHAL!

the end
Thanks for reading
>>>>>>>>>>
Wag na nating hintayin ang ganitong pagkakataon bago natin sabihin at iparamdam sa ating mga nanay na mahal na mahal natin sila.
HAPPY MOTHERS DAY SA MGA NANAY NATIN
>>>>>>>>>>

05/13/2017
TO MY BEST MAMA
Happy Mothers Day!!
I LOVE YOU SO MUCH AND I WILL ALWAYS DO!
Thank you for everything and im praying for your good health! 
Godbless you always!