By: johnedwarddespe
Umasa dahil
may nagpaasa? nafall pero walang sumalo? Umibig pero di inibig? Nagmahal pero
nasaktan? Pinagtagpo pero di itinadhana?
Sino nga ba
ang tama? Sino ba ang mali?
Ako ba na
umaasa na sa bawat biruan at tuksuhang hindi maiwasan ay unti unting naging
sanhi ng aking pagkahulog.
ako ba na
nafall na sa bawat kentuhan at tawanan ay unti unting pagibig ang
nararamdaman.
ako ba na
pakiramdam ay tila lumulutang sa langit sa saya na dulot ng malagkit na
pagtitinginan.
ako ba na pagtingin moy unti unting
natutunaw na parang ice cream sa ilalim ng araw.
teka teka…
tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba
yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.
Naguguluhan
ako kasi baka hindi ako sigurado, kasi baka akoy maloko, baka akoy masaktan,
baka akoy umiyak sa dulo.
Paano kung
paasahin nya lang ako, paano kung sasaktan nya lang ako, paanu kung iiwanan nya
lang ako.
teka teka…
tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba
yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.
Paano kung
hindi pala nya ko gusto, paano kung hindi pala pareho ng nararamdaman, paano
kung … paano paano?
Pero bakit kailangan ganito? bakit tila akoy nagugulumihanan sa bagay na hindi
ko maamin.Oo na tama
kayo! Tama kayo guys gusto ko siya pero di ko masabi kasi natatakot ako, natatakot
ako na baka hindi niya pala ko gusto! natatakot kasi
pakiramdam ko masakit, oo ang sakit sakit ng feeling na hindi ko na alam na
parang hindi na kumpleto ang araw ko pag di siyaa nakita, kapag di ka nakausap
oh natanong ko man lang kung okay ba siya, kumain na kaya siya, kumusta na ba
siya. Yoong tipong hindi na ko makatulog sa kakaisip sakanya.
Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung
tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.
Isang araw,
paggising ko ikaw agad ang nasa isip. Hindi ko alam pero buong magdamag iniisip
kita, masaya, maligaya, masarap sa feeling ang kasama ka. hangang sa panaginip
andoon ka! Bakit!!! Bakit kailangan andoon ka. Oras-oras minu-minuto tumatakbo
sa isip pero ayokong mapagod ka sa pagtakbo. Pwede bang sabay tayong tumakbo
hanggang dulo?
Habang
tumatagal lumalim ang pagkakaibigan, unti-unti nagkakilala ng lubusan, madaming
kaalaman, nagiigting ang pinagsamahan.
Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.
Bakit kasi
ang bait mo? bakit kasi palagi kang concern sa akin? ano ba tayo? Gustong
gusto kong itanong pero natatakot ako.
teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahuhulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.
Lumipas ang
mga araw wala siyang paramdam. Isip koy gulong gulo, may nagawa ba ko?
Isip koy Litong lito, may nasabi ba kong mali? Bakit tila isang truck ng bato
ang bigat ng nararamdaman ko? Ang bigat bigat. Ang lungkot lungkot, ang lunkot
ko pala pag di ka kausap. Ang lungkot ko pala pag wala ka? uma-umaga ay
naghihintay ng reply mo, hello kumusta ka na? asaan ka na? bakit di ka
nagrereply okay ka lang ba? Pwede bang
sabihin mong okay ka? Okay tayo? Mayroon bang tayo!
teka teka…
tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na
pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.
Bawat tunog ng
telepono, bawat mensaheng natatangap umaasa ikaw na yon! Patuloy na naghintay
hangang isang araw nagtext ka sabi mo magkita tayo may surpresa ka.
Dali daling
bumangon, naghanda, nagayos. Hello crush! Ready na ko sa surprise mo, ready na
din akong aminin ang nararamdaman ko.
teka teka…
tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na
pagibig? Pagmamahal? Hala teka, excited na ko.
No comments:
Post a Comment