Thursday, September 24, 2020

"Paano Harapin Ang Bukas"

By: John Edward Despe

O kay lamig, o kay init, 
Pabago-bagong panahong sambit, 
Bakit kaya mundo'y tila may galit 
Labis na paghihinagpis kanyang giit 
Sakuna at pighati lubhang paulit-ulit 
Mahabaging kalikasan lubhang ika'y nagagalit? 

O kay lamig, o kay init! 
Reklamo ng nakararami, 
Bakit hindi tanungin ang sarili 
Kanino dapat isisi? 
Ito ba'y ganti lamang ng kalikasan, 

O dahilan ay hindi ito iningatan? 
O kay lamig, o kay init! 
Init ng ulo'y pinaiiral sa gitna ng kaguluhan 
Walang tigil na bakbakan! 
Walang tigil na patayan! 
Bakit hindi bigyang pansin 
Ang kawawang bayan! 

O kay lamig, o kay init 
Sangdamakmak na katawan ang walang buhay 
Matatagpuan kahit saan nalang nakaratay, 
Anong nangyari sa bayan? 
Pati buhay ng tao hindi na iningatan, 
Tuluyan na bang mababaon sa hukay? 
O kay lamig, o kay init Basura sa ilog, dagat at kagubatan 
Pagputol ng puno sa kabundukan 
Kemikal na dulot ng mga pagawaan 
Pangungurakot sa kaban bayan 
Hangang kailan, hanggang saan? 

O kay lamig, o kay init, 
Reklamo ng nakararami 
Kailan ka ba magsisi? 
Kung ubos na ang mga punot halaman? 
pagguho ng mundo at pagsabog ng mga bulkan? 
O Kapag magkapatayan para sa kapangyarihan? 

O kay lamig, o kay init! 
Tila ba unti unting nawawalan ng pagasa 
Paano na ang kinabukasan ng bayan 
Paano na ang mga batang walang muang 
Paano na ang mga pamilyang namatayan 
Hanggang tanong nalang ba? 
O kay init, o kay lamig Huwag na sanang magreklamo 
Hindi pa ito ang katapusan ng mundo 
Madarama pa ang payapang pagtulog 
Iyan ay kung uumpisahan mo, 
Sa pagbabago mula sa bahay mo...

SURPRESA

By: johnedwarddespe

Umasa dahil may nagpaasa? nafall pero walang sumalo? Umibig pero di inibig? Nagmahal pero nasaktan? Pinagtagpo pero di itinadhana?

Sino nga ba ang tama? Sino ba ang mali?

Ako ba na umaasa na sa bawat biruan at tuksuhang hindi maiwasan ay unti unting naging sanhi ng aking pagkahulog.

ako ba na nafall na sa bawat kentuhan at tawanan ay unti unting pagibig ang nararamdaman.

ako ba na pakiramdam ay tila lumulutang sa langit sa saya na dulot ng malagkit na pagtitinginan.


ako ba na  pagtingin moy unti unting natutunaw na parang ice cream sa ilalim ng araw.

teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Naguguluhan ako kasi baka hindi ako sigurado, kasi baka akoy maloko, baka akoy masaktan, baka akoy umiyak sa dulo.

Paano kung paasahin nya lang ako, paano kung sasaktan nya lang ako, paanu kung iiwanan nya lang ako.

teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Paano kung hindi pala nya ko gusto, paano kung hindi pala pareho ng nararamdaman, paano kung … paano paano?

 teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na baa ko? Nafafall na ba ako? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.


Pero bakit kailangan ganito? bakit tila akoy nagugulumihanan sa bagay na hindi ko maamin.Oo na tama kayo! Tama kayo guys gusto ko siya pero di ko masabi kasi natatakot ako, natatakot ako na baka hindi niya pala ko gusto! natatakot kasi pakiramdam ko masakit, oo ang sakit sakit ng feeling na hindi ko na alam na parang hindi na kumpleto ang araw ko pag di siyaa nakita, kapag di ka nakausap oh natanong ko man lang kung okay ba siya, kumain na kaya siya, kumusta na ba siya. Yoong tipong hindi na ko makatulog sa kakaisip sakanya.


Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Isang araw, paggising ko ikaw agad ang nasa isip. Hindi ko alam pero buong magdamag iniisip kita, masaya, maligaya, masarap sa feeling ang kasama ka. hangang sa panaginip andoon ka! Bakit!!! Bakit kailangan andoon ka. Oras-oras minu-minuto tumatakbo sa isip pero ayokong mapagod ka sa pagtakbo. Pwede bang sabay tayong tumakbo hanggang dulo?

Habang tumatagal lumalim ang pagkakaibigan, unti-unti nagkakilala ng lubusan, madaming kaalaman, nagiigting ang pinagsamahan.

Pero teka teka… tama ba itong naiisip ko? Nahuhulog na ba ko? Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka ang gulo kasi.

Bakit kasi ang bait mo? bakit kasi palagi kang concern sa akin? ano ba tayo? Gustong gusto kong itanong pero natatakot ako.

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahuhulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.

Lumipas ang mga araw wala siyang paramdam. Isip koy gulong gulo, may nagawa ba ko?
Isip koy Litong lito, may nasabi ba kong mali? Bakit tila isang truck ng bato ang bigat ng nararamdaman ko? Ang bigat bigat. Ang lungkot lungkot, ang lunkot ko pala pag di ka kausap. Ang lungkot ko pala pag wala ka? uma-umaga ay naghihintay ng reply mo, hello kumusta ka na? asaan ka na? bakit di ka nagrereply okay ka lang ba?  Pwede bang sabihin mong okay ka? Okay tayo? Mayroon bang tayo!

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, ito na nga siguro.

Bawat tunog ng telepono, bawat mensaheng natatangap umaasa ikaw na yon! Patuloy na naghintay hangang isang araw nagtext ka sabi mo magkita tayo may surpresa ka.

Dali daling bumangon, naghanda, nagayos. Hello crush! Ready na ko sa surprise mo, ready na din akong aminin ang nararamdaman ko.

teka teka… tama ata ‘tong naiisip ko? Nahulog na nga ako! Ito na ba yung tinatawag na pagibig? Pagmamahal? Hala teka, excited na ko.